Tuesday, September 16, 2008

Libog, Bao, Utot at iba pa!


Alam nyo bang ang ibang mga salitang tagalog ay may ibang kahulugan sa Bisaya, sa Pangasinense o kaya’y sa Ilocano? Oo! Tignan nyo tong mga sumusunod na salita!

1) Libog

Alam nyo naman to sa Tagalog diba? Pero sa Bisaya, ang “libog” ay pagkalito! Oo. Kaya kung may babaeng Bisaya at sinabi nya sayong nalilibog sya, wag mong hahawakan ang dede nya. Masasampal ka.

2) Bao

Sa Tagalog, e ito yung matigas na lalagyan ng nyog. Sa Pangasinense, keps ito. Kaya pag sinabi mong “malaking bao” sa isang taga Pangasinan, sigurado ako matatawa to. Sa Ilocano naman ang “bao” ay daga. Kaya birubiruan sa mga Ilocano at Pangasinense ang salitang ito!

3) Daga

Sa Ilocano, lupain ang ibig sabihin nito. Kaya kung may Ilocanong nagsabi sayong bibili sya ng daga, wag kang tatawa. May pera sya hahaha

4) Lupa

Sa Pangasinense, ang “lupa” ay mukha. Kaya si Juday, may malaking lupa.

5) Langgam

Sa Bisaya, lumilipad ang mga langgam. Bakit? Kasi ibon ito sa kanila!

6) Baliw

Pag sinabihan ka ng isang taga Pangasinan ng “baliw ka!” e wag kang maiinis. Kasi ang “baliw” sa Pangasinense ay “tawid” sa Tagalog.

7) Utot

Sa Pangasinan, ang utot ay tumatakbo at nagtatago sa lungga. Oo, daga ito sa Tagalog!

At ang daga ay lupa sa Ilocano na mukha naman sa Pangasinan! Wow ang gulo gulo na! Libog na libog na ako! Woooohoooo!

No comments: