Tuesday, September 16, 2008

BobOng Pinoy

“ayokong nasasanay sa mga bagay
na pwede namang WALA sa buhay ko”

“dalawang dekada ka lang magaaral.
kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.
sobrang lugi. kung alam lang yan ng kabataan,
walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

wag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hinahawakan ng iba.”

“ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON wala na ring saysay
kapag wala na yung TAMANG TAO.
ang tao pwedeng mag-adjust. pero ang bagay at panahon hindi.”

“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pagiisa,
kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

iba ang tinititigan sa tinitingnan.
ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.
ang tinitingnan, buong bahagi ang sinusuri.
iba din ang iniintindi sa inuunawa.
ang iniintindi, pinipilit sa isipan.
ang inuunawa, alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.
Kung kaya dapat tinitingnan ang mga bagay para maunawaan
at hindi titigan lang at intindihin.”

“Pakawalan mo ang mga bagay na makakasakit sa’yo
kahit na pinapasaya ka nito.
huwag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo
at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
“kung hindi mo mahal ang isang tao,
huwag ka ng magpakita ng motibo para mahalin ka pa niya.”

“kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos
dahil alam niyang hindi sa lahat ng oras

gumagana ang utak ng tao.”

“pag pinag-aagawan ka,
malamang maganda o gwapo ka.
sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait.
sa marunong, di sa matalino.
sa mahal ka, di sa gusto ka.”
“gamitin ang puso para alagaan
ang mga taong malalapit sa’yo,
gamitin ang utak
para alagaan
ang sarili mo.”

“pag di ka mahal ng taong mahal mo,
wag kang magagalit,
kasi may mga tao rin na mahal ka,
pero hindi mo sila makuhang mahalin..
kaya quits lang.”

“itigil mo na ang isang bagay na
imbis na mapasaya ka ay pinahihirapan ka lang ng sobra.
walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“kapag may mahal ka at ayaw sa’yo,
wag ka mag-alala, malay mo bukas,
ayaw mo na din sa kanya.
naunahan ka lang”

“parang elevator lang yan,
bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo,
kung wala ng pwesto para sayo.

eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“minsan kahit ikaw ang naka-schedule,
kelangan mo pa din maghintay
kasi hindi ikaw ang priority.

“ang tenga pag pinagdikit korteng puso.
extension ng puso ang tenga,
kaya kung marunong kang makinig,
marunong kang magmahal.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali?

Alam ba nilang pag natuto silang umibig eh

hindi na sila makakatulog kahit gusto nila..”

“Ang hirap sa ibang ballpen,

pag itinayo mo nang pabaliktad,natutuyo ang tinta. Pag itinayo mo naman nang tama, nagtatae.”

“Mangarap ka at abutin mo ‘to.
wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis.
kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo,
pwede kang manisi at maging rebelde.
tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok sa kili-kili.
sa bandang huli,
ikaw din ang biktima.

rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo,

walang mangyayari sa buhay mo.

Dapat lumandi ka din.”

“masama akong tao tulad mo,

sa parehong paraan na mabuti kang tao tulad ko”

Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“hikayAtin m0 LahAt ng kakilala m0 na mAgkaro0n kahit isA man lang paboritong libro sa bu0ng buhay nilA..dahil walA ng mas nakakaawa pa sa mga ta0ng literado per0 hindi nagbabAsa ”

“Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”


“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”


“mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”


“Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?”

“hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.
In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

No comments: